Tuesday, 1 July 2014

Summer Escapade 2014



April 30-May 1,2014

This "short summer getaway" was supposed to be last April 11,2014,but due to the conflict of schedules,it was moved,and moved,and moved to indefinite dates. Because we're just only four in the group and we don't want someone to be left behind,we find the proper date where we are all can be complete. And last April 30-May 2,2014, it happened. 

Night before this, akala ko hindi ko makakasama,due to some personal reason na ayoko nang banggitin pa. Hanggang sa mga huling oras bago ako umalis,undecided pa din. Akala ko talaga hindi na naman matutuloy. Ang tagal na kasing plano ito. Palipat-lipat ng date kasi nga hindi magkatugma-tugma ang schedule. Tapos heto na naman,mauudlot na naman at ako pa ang magiging dahilan. Kaya naman,hindi ako pumayag na hindi matuloy at ipinaglaban ko ang dapat ipaglaban. Chos. 

So ayon,natuloy din sa wakas. 

A short getaway from reality. Sandaling nalimutan ang mga bagay-bagay. Sandaling nagpakasaya at nagpakalayo sa realidad. 

Aaminin ko,this trip was far from what I expected. Akala ko kasi madami akong maitatawa. Akala ko walang tulugan at magdamag na bonding at swimming ang magaganap. Pero hindi pala. Pero ganon pa man,nag-enjoy ako. Masaya naman. Hindi masayang-masaya,masaya lang. Sabi nga nong nabasa ko,ganon daw dapat,hindi masayang-masaya dapat,dapat masaya lang,para kapag nalungkot,malungkot lang,hindi malungkot na malungkot. Tama nga naman. Sapat na yong sakto lang. Wag nang mag expect ng higit pa. 

At ayon,hanggang sa pag-uwi,iniisip ko pa din na hindi naman ako ganon nag-enjoy. Pero habang asa byahe na kami pauwi,alam mo yong feeling na ayaw mo pa umuwi at ayaw mo pa bumalik sa realidad,gusto mo na lang don sa dagat kasama sila. Yong feeling na nong nag-ba-bye na sila isa-isa parang ayaw mo mag-ba-bye pabalik kasi gusto mo pa sila makasama. 

Oo,hindi ganon kasaya,pero isang bagay ang na-realize ko,at yon ay ang..........na-miss ko silang kasama. Na-miss ko ang mga kaibigan ko. Mga kapatid ko by heart. Nakakamiss yong bonding namin nong college pa lang kami. 

Ayon. Summer getaway diba? So dapat masaya ang kwento ko. Pero ba't parang ang "emo" lang. LOL. 

But seriously, to sum it all up,yong feeling na hindi ganon kasaya pero kontento ka,yon,yon ang pakiramdam. Ayon. 

'Til our next bonding girlfriends,Weh (Louella Rose Bacsa) ,Overder (Sarah Jane Reyes) and Sf (Ailline Grace Dimaano. I will always and forever enjoy and treasure our bondings and get together. True enough that "a day spent with friends is always a day well spent."



Eto yong moment na nag-dare kami magpa-picture habang nakahiga sa buhanginan habang katingkaran ng sikat ng araw. And obviously,fail yong attempt namin. Haha
 


This is my first ever henna tattoo.

Tapos eto naman yong nag attempt din kami ng perfect jumpshot...pero obviously ulit,di na naman kami nagwagi sa aming plano. 
           
       

This photo was my entry for LG Summer contest. But unfortunately I did not won. ***tears***

Our endless attempt for a perfect jumpshot.

Because I'm Happy

Nakaka-miss yong ganitong season. Month of May. Alay o Flores de Mayo naman sa iba. Nong panahong bata pa ako,siguro mga Grade-V hanggang sa mag High School ako. Ang saya lang kapag bakasyon at sumasapit ang ganitong buwan. Laro-laro lang. Nong Grade-V kasi ako nag transfer na ako ng school at lumipat na kami dito sa Batangas. So ayon. Naiwan ang mga nakasanayan. Pero tuwing bakasyon naman,umuuwi kami ng Tingloy at don nagbabakasyon. Ang saya lang kapag ganitong season. Uuwi kami don. Tapos maglalaro lang maghapon. Maliligo sa dagat. Hindi baleng walang internet,basta may mga kalaro. Buhay na buhay na ako. Kasi nong mga panahong yon andodon pa mga pinsan ko tapos mga ibang kalaro. So ayon. Tamang laro lang. Tumbang preso, prisoner, badang,habulan at kung anu-ano pa. Tapos maliligo sa dagat,masaya kapag me bangka na andon sa dagat kasi nakakasakay kami don sa katig at don nakatambay. O di kaya naman nong me balsa pa,pumupunta kami don at don kami tumatambay habang naliligo sa dagat. Me dala kaming mangga. Kasi ako,mahilig ako sa mangga,kapag walang bunga yong andon sa amin nagpapakuha pa ako sa pinsan ko sa kung saan alam kong meron basta malapit lang naman don sa amin. Kasama ang mga pinsan ko at iba pang mga kalaro sa panliligo sa dagat. Ang saya lang balikan at ulitin ng mga ganong pangyayari. Tapos kapag hapon na o pagabi na,aalis si mother at pupunta na sa alay,kasi isa sya sa mga namumuno don,pagkakaalis nya pupunta ako sa mga pinsan ko at mag-aaya ako ng tagu-taguan. Kasi pasimuno talaga ako dati sa mga larong yan eh. Haha. Ang saya lang. Masaya kasi magtaguan diba kapag madilim. Tapos biglang sasali yong crush ko. Diba,dobleng saya na non. Hahahaha. Ewwwwwwww. Tapos minsan natripan ko na kapag nakikita ko kung san sila nagtatago sinasabi ko,ibino-broadcast ko talaga kung asan sila. Syempre nagagalit sila. Haha. Pero ang saya. Pero minsan din,kapag sumasali na yong crush ko,bigla na lang akong aayaw. Ewan. Parang ta*** lang. Tapos kapag alam ko na patapos na ang alayan,titigil na kami,kasi dadating na si mother. Eh mapapagalitan ako non kapag naabutan akong naglalaro eh gabing gabi na. Kasi dinig naman sa bahay kapag patapos na ang alayan. Pero nalalaman pa din naman nya na naglaro ako kasi it's either isinumbong ako ng kapatid ko o di kaya naman,uubo ako,ibig sabihin ng pag-ubo kong yon natuyan ako ng pawis sa likod habang naglalaro. So ayon,bistado. Haha. Ang saya lang talaga. Ang saya lang balikan ng mga ganong pangyayari. Pero life is different now. Everything has changed. But the memory lives on. Sad to say, it'll only remain as a memory,a one happy memory.   And I can proudly say that I had the best time of my life during my childhood and I wouldn't have it any other way. Kahit pa sabihin na me mga internet na ngayon o kung anu-ano pang gadgets na nauuso, hindi ko pa rin ipagpapalit ang kabataan ko.Batang-bata talaga. Laro dito,laro doon. Wapakels sa pawis at dumi ng damit. Basta masaya. Ang sarap lang mag-throwback kahit hindi Thursday. Ang saya balikan ng mga alaala. Those were the days. Those happy days of mine.

***PHOTO CREDITS: WeHeartIt.com***

Undecided




Crush,Puppy Love, Soulmate o Isang Malaking KABALIWAN???

Hanggang sa mga oras na ito ay isang malaking katanungan pa rin sa akin kung ano ka nga ba talaga sa buhay ko. Puppy love,soulmate,friend(???),dating classmate o ano? Basta sure ako don sa "dating classmate." LOL

We've been classmates for only four years. Elementary days......so let's consider the fact that we're still young then, walang kamalayan pa masyado sa mundo. Hindi pa tayo aware sa nga nangyayari,maaaring iniisip natin noon na,oo,alam na natin at naiintindihan na natin ang mga bagay-bagay,akala natin alam na natin lahat at iniisip natin na aware na talaga tayo at may sapat na tayong kaalaman sa mga nararamdaman at ginagawa natin. Pero,let's stick to the fact na,we were just kids way back then. 

Pero diba,mga bata, usong-uso ang salitang "crush". "Crush is paghanga", "DAW". Pero ano namang kahanga hanga sa'yo???Pero nong mga panahong yon,syempre,bata pa lang,masyado nang dinidibdib ang salitang yon. Crush pa lang pero malalim na ang kahulugan. Kahit bata pa lang. Imagine. LOL ulit. 

During those days,andyan yong "awkwardness". Bakit? Ewan. Ang "uneasy" lang sa pakiramdam kasi nawawala na sa sarili kapag andyan sya. Nagiging hyper ako. LOL ulit. As in. Pero me mga times din naman na deadma lang kasi ayoko na isipin nya na I'm desperate for his attention. Ewan. Basta. Mga ganong scenario. Ayon eh nong mag classmates pa lang kami. We were not friends,oo,nagkakachikahan naman,pero kapag madami kami,pero yong tipong dalawa lang kami mag uusap,never na nangyari yon. Kasi ako,never ako naging "conversation starter", kung me itatanong ako,yon,don lang ako nauunang magsalita. Pero never akong nag iinitiate magsimula ng usapan kahit kanino.

Time flies so fast and here comes the inevitable fact that people will grow old. Nagsisimula nang maging isang ganap na binata at dalaga at nagsismula na ding harapin ang realidad ng buhay. Ang totoong buhay, hindi na lang dahil sa nadapa ka at nasugatan ka o dahil inagawan ka ng kendi kaya ka umiiyak. Diyan na pumapasok ang iba't-iba pang rason ng iyong mga luha at ngiti. Madaming nagbago at alam naman natin na hindi yon maiiwasan kasi parte na yon ng pagtanda at paglipas ng panahon. Tipong,dating gusto mo,ayaw mo na ngayon or ayaw mo noon,gusto mo na ngayon. 

 Pero may isang bagay na nanatili at mukhang hindi pa nagbabago at yon ang paghanga ko sa'yo. Paghanga na hanggang sa mga oras na ito ay hindi ko naman alam kung ano bang hinangaan ko sa'yo o ano bang kahanga-hanga sa'yo....seriously. Lumipas man ang mga araw at hindi naman kita nakikita na kasi hindi na naman tayo magkaklase,pero ewan,andyan pa rin eh. Kapag nakikita kita,may something talaga eh. Ewan. Hindi naman ako bulag para hindi makakilala ng iba pang lalaki sa mundo,pero ewan,kapag nakikita kita........basta. Di ko ma-explain. Ewwwwwwww. Haha. Korni ko na ba? Haha.

Tapos yon,hanggang sa mga oras nga na ito,it's been what???fourteen or fifteen years??? Shet. Yong feeling na ayaw mo na maramdaman yong nararamdaman kong ito,pero kapag nakikita kasi kita bumabalik eh. Shet na shet. Sobrang korni na talaga. Hahaha. Pero seryoso,kaya hanggat maaari ayaw na kitang makita. Last time na nakita kita,sana yon na talaga yong last. Sana talaga. Kasi naman yong mga magulang mo masyadong common yong ipinangalan sa'yo kaya may  mga pagkakataon na basta basta ko na lang madidinig yong pangalan sa TV o sa kung sino man na me kapangalan ka o di kaya naman mababasa ko na lang sa kung saan. Naku! Naku!!!!

Sana sa totoong buhay katulad na lang nong ginawa ko sa'yo sa Fb,inunfriend kita,tapos yon wala na akong nakikitang kung ano tungkol sa'yo sa news feed ko,sana ganon na lang din kadali sa totoong buhay,isang click lang. 

Time will come,pasasaan ba naman at magigising din ako sa katotohanan na "you're just an ex-classmate",nothing more,nothing less. 





I hope I won't hear anything about you. I wish I could easily take you away from my thoughts. 

***photo credits:WeHeartIt.com***

10 Ways To Be Stressed



After your graduation and still you cannot find your job,many thoughts will come to your mind. Mga naiisip mo na di naman dapat isipin. Mga bagay na nakaka-frustrate. Mga ayaw mong isipin and yet you can't help but think kasi kusa syang pumapasok sa isip mo kahit ayaw mo. Sabihin na nating mga bagay na maaaring maka-stress sa'yo that's why you end up not having a good sleep at night. You find it hard to sleep cause you overthink. And kung gusto mong ma-stress sa buhay mo, and I doubt kung merong me gusto. Here are some tips.

**I did this post because of too much and inevitable boredom.** 


  1.  Alone Time: Kung gusto mo ma stress sa buhay,dapat di ka nakikipag usap sa iba,kahit madaming tao sa paligid mo,wag mo silang pansinin. Kunwari ikaw lang tao,ikaw lang ang nag-eexist. At kung sakali man na me madinig kang negative comments nila about sa'yo,isipin mo yon ng isipin kahit na ilang oras o araw na ang nakalipas. Isipin mo lang. In that way ma-i-stress ka talaga kung bawat sabihin nila pinapansin mo kahit naman hindi na dapat. 
  2. Social Networking Sites: Fb fb din or twitter twitter din pag may time. Kahit walang time. Kasi pag nag-open ka ng Fb or Twitter maaaring me mabasa kang di kanais nais. Kunwari yong isa mong friend ang saya-saya nya kasi me work na sya or dahil sweldo na nya or naman asa bakasyon sya....at take note don pa sa "dream destination" mo. Tapos ikaw asa bahay ka lang,habang inggit na inggit sa kanya. Pa-browse-browse lang ng mga pictures nya. Hay!!! Nakaka stress youn diba??? Diba? Diba? 
  3. Be OC: (Obsessive Compulsive) Pansinin mo lahat ng bagay. Kahit naman hindi kapuna-puna,pansinin mo pa din para ma stress ka ng ma stress. 
  4.  Overthink: Overthinking kills you. Kahit na last 5 years na nangyari,isipin mo pa din,mga bagay na dapat sinabi at nagawa mo pero di mo nagawa during that time. Because your too dumb and stupid enough. 
  5. Focus on the past and the future but not in the present. Isipin mo yong mga regrets mo sa buhay mga "sana" sa buhay mo na hindi mo nabigyang pansin dati. At mag-focus ka din sa future,mga bagay na gusto mong gawin at mangyari pero hindi mo alam kung pano mo magagawa at ang malala kung magagawa at mangyayari pa ba eh sa tingin mo wala kang kakayahang magawa sila. In that case,sobra talaga ang pagka stress na mangyayari sa buhay mo. 
  6. Regrets: Isipin mo lagi yong mga bagay na hindi mo nagawa. Mga panghihinayang na sana kung nagawa mo lang yon hindi ka sana nagkakaganyan ngayon. Kaka-stress diba? 
  7. Start your day with a frown. Umaga pa lang pagka gising mo sumimangot ka na agad at for sure all day kang naka simangot kahit na me mga reasons pa naman para matawa ka. 
  8. Negative or Bad Vibes. Nagsisimula pa lang araw mo puro nega na kagad naiisip mo. Na kesyo ganto kesyo ganyan. Yong tipong iisipin mo na naman kung pano matatapos ang isang araw mo ng masya ka naman para maiba naman,but you didn't know,you'll always end up stressing yourself sa mga posibleng mangyari during that certain day. Sa halip na mag-focus ka,sa kakaisip mo lalo ka lang na-I-stress kakaisip. 
  9. Compare Yourself To Others: isipin mo lagi yong mga bagay na meron ang iba habang ikaw,nganga ka. Iisipin mo yong kung pano mo makukuha din ang bagay na yon. Pero habang ina-analyze mo yong chance or possibilities kung pano mo makamit ang bagay na yon,wala kang makitang chance. Parang lahat na lang naisip mo kung pano,pero wala talaga eh. Kumbaga,napapaka-hopeless mo na. 
  10. There's No Way Out. Isipin mo na lang na kung asan ka ngayon,hanggang dyan ka na lang. Yong tipong isipin mo na wala ng katuparan yong mga pangarap mo sa buhay. In short, di na mangyayari yong buhay na pinapangarap mo. Di mo na mabibili yong mga gusto mong bilhin. Di mo na mapupuntahan mga lugar na gusto mong marating. Tipong ganon. Ewan ko na lang kung di ka pa ma-stress sa lagay na yon.  
Those were only few advices and tips from me. It's for you to take that advices or just leave it. Your way of life depends on you. You can't blame anyone or anybody . It's your own choice. Dumb advices it is. But if you will do it the other way around, I don't think it's still dumb. It's all up to you. Based on personal experience??? Uhmmmm. You can say so. LOL.

***Photo Credits: WeHeartIt.com